From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature
PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA KALAMIDAD SA PILIPINAS AT PAGBISITA NI GLORIA MACAPAGAL-
Kung may labis na nakahihiya ay yaong makita ang pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal-Arroyo na namamasyal sa Amerika habang binabagyo ang kanyang bayan.
Para sa Pesante-USA nagsisilbing pang ginadgaran ng asin ang sugat, namustura pa at nagmiting sa NDCC ang pangulo habang nagpapakitang gilas sa Fresno, California na sinesermunang galit ang kanyang walang silbing gabinete sa harap ng pinsala ng bagyo,baha at kapabayaan sa malaking trahedya ng paglubog ng MV Princess of the Sea kung saan mahigit 700 ang nasawi.

PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA KALAMIDAD SA PILIPINAS AT PAGBISITA NI GLORIA MACAPAGAL-ARROYO SA AMERIKA
Kung may labis na nakahihiya ay yaong makita ang pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal-Arroyo na namamasyal sa Amerika habang binabagyo ang kanyang bayan.
Para sa Pesante-USA nagsisilbing pang ginadgaran ng asin ang sugat, namustura pa at nagmiting sa NDCC ang pangulo habang nagpapakitang gilas sa Fresno, California na sinesermunang galit ang kanyang walang silbing gabinete. Sa harap ng pinsala ng bagyo,baha at kapabayaan sa malaking trahedya ng paglubog ng barkong MV Princess of the Stars kung saan mahigit 700 ang nasawi.
Hindi pa ito, ang labis na nakakamuhi at kaumpa-sumpa ay ang mamalimos pa ang pangulo at humingi ng tulong sa ating mga kababayan at sa ibang tao sa Amerika para tulungan ang mga biktima ng bagyo at baha, patunay na inutil at walang kaya ang bulok na pamahalaan ng Pilipinas na tulungan ang ating mga kababayang nasalanta ng bagyo at baha.
Ang magastos na pamamasyal at ikatlong pagbisita ni PGMA sa Amerika mula Hunyo 23 hanggang Hunyo 30 ay maliwanag na bulagsak na pagaaksaya ng kabang yaman at salapi ng bayan sa harap ng malubhang pagdarahop at tagbisi ng bayang naghihirap. Isinama pa sa pasyal ang 59 na myembro ng kongreso at 2 senador at mga kamag-anak nito.
Hindi malutas ang mga problema ng bayan, humihingi na naman ng bendisyon sa Amerika at sa mga amo niyang imperyalista si Gloria Macapagal-Arroyo para manatili sa kapangyarihan at pagmalupitan ang bayan.
Ipinapakitang isang masunuring papet at sunud-sunurang sa bilin ng amo, magmamano pa si GMA kina Barack Obama at John Mccain kahit di pa naihahalal ang isa sa mga ito sa pagkapangulo ng Amerika. Isang ugali ng isang masuring tuta sa kanyang among imperyalista.
Para sa Pesante-USA , walang pagsidlan ang pagkagahaman at pagkahaling sa kapangyarihan ni PGMA. Dapat lamang lalonmg magsikap ang rebolusyonaryong hanay na patalsikin siya sa lalong madaling panahon.
Arturo P. Garcia
Coordinator,
Philippine Peasant Support Network (Pesante)-USA
Hunyo 23, 2008

Add Your Comments
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!
Get Involved
If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.
Publish
Publish your stories and upcoming events on Indybay.
Topics
More
Search Indybay's Archives
Advanced Search
►
▼
IMC Network